Mga Post

"EXTENDER

Imahe
“Six years ka nang nag-aaral, umabot ka na ata sa maximum residency eh…Di ka na pinakawalan ni Oble…Masyado mong mahal ang UP…Tamad tamad mo kasi eh…Puro bulakbol ginagawa mo.” Yan yung mga paulit ulit na mga katagang naririnig ko sa mga kaibigan ko, at sa pamilya ko, na kahit papaano naman, nakatulong para mapilitan na akong tapusin talaga ang kursong kinuha ko. Noong lumabas yung UPCAT results, kinakabahan akong tingnan, although una ko nang narinig sa mga kaibigan ko nung high school ako na, nakita daw nila pangalan ko pero di ako naniniwala. I just had to see it for myself. Nag cut pa nga ata ako ng class, para lang pumunta sa internet shop sa tapat ng school namin. Kasi nga, kailangan kong malaman agad-agad, dahil dito nakasalalay ang kinabukasan ko. Di naman na kasi ako nag-take ng iba pang exams sa ibang school, dahil elementary pa lang ako, naka-set na talaga ang utak ko na magtatapos ako bilang isang Iskolar ng Bayan, bilang isang mag-aaral ng Unibersidad